Kasabay ng Paglubog ng Araw
" Kath! Kath! Kath!" tawag ni Daniel sa akin. Lumingon ako. Syempre, tinatawag ka ng mahal mo, di ka lilingon?
Oo, mahal ko ang bestfriend ko pero, parang hindi niya un napapansin. May gusto kasi siyang iba. Awwttss. Oo, alam ko, masakit un sa parte ko. Mahirap kasi maging kabilang sa isang one-sided love. Lalong lalo na kung ikaw ung may mahal. At ikaw, ung di minamahal.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"May problema ako. Punta tayong sa burol?"
"Sige! May problema rin kasi ako eh."
Tapos, pumunta na kami sa burol. Dito rin kasi kami nagkakilala eh. Mag-kababata kami. 4 years old pa lang kami nang magkakilala kami.
"Oh, ano nang problema mo?" tanong ko.
"Ganito kasi un, ung taong mahal ko, hindi ako mahal."
"Eh, pareho pala tayong ng problema eh!"
"Ganun ba? May gusto palang iba ung mahal ko."
"Talaga? Ung mahal ko rin eh!"
"Teka, sino ba yang mahal mo?"
Uh-oh. Wrong move. Restart.
Kaso, hindi nagrestart ang scene, andito pa rin ako sa tabi ni Daniel at naghihintay siya ng sagot.
Sasabihin ko ba? O itatago ko na lang ito?
Whew. Bahala na.. Bahala na si Batman.
"Sabay na lang nating sabihin ung sa atin." sabi ko.
"Sige!" sabi niya.
"One, two three!" bilang ko.
"Ikaw" sabay naming sinabi.
Ano raw? Ako? Ako ang mahal niya? Nabibibingi na ba ako?
Isang mahabang katahimikan ang sumagot sa mga tanong ko.
"Totoo ba yang sinabi mo?" tanong ko, breaking the silence.
"Oo, ikaw totoo ba yang mga sinabi mo?" tanong niya habang nakatingin sa langit.
"Oo naman."
"Kath, mahal na mahal kita. Dati pa. Magsimula nung magkita tayo. Ginawa ko lang dahilan na may mahal akong iba para itago ang tunay kong nararamdaman. KAsi,akala ko, lalayuan mo ako kapag nalaman mo na mahal kita." sabi niya.
"Hindi mo naman tinanong kung magagalit ako."
"Sorry naman. Basta, ang mahalaga ngayon, mahal natin ang isa't isa."
Kasabi niya nun, nilapit niya ang mukha niya at tuluyan nang naglapat ang mga labi namin. Kasabay ng paglubog ng araw. Feeling ko may mga paruparong nagsisiliparan sa tiyan ko. Ngayon, alam ko na. Alam ko na, na mahal din ako ng bestfriend ko.
I love you, bestfriend....